Title: I Soul You
Characters: Badong, Diego, Jesus, two to three generic actors/mimers
Costumes: Casual clothes for Badong and Diego; Jesus costume; black shirt and pants for mimers
Verse: Mark 12:30
Time: Approximately 5 minutes
Language: Bilingual (primary language is Tagalog, with some portions in English)
License and rights ownership: Creative Commons - Attribution-Non-commercial
[BADONG
is on LSR, reading the Bible. He is frowning, as if confused about what he is
reading. DIEGO enters from SL and sees him.]
Diego: O Badong, bakit
parang litong lito ka diyan sa binabasa mo? Anong problema?
Badong: Ah, ikaw pala,
Diego. Binabasa ko lang kasi yung verse na nasa devotional ko para sa araw na
ito. Sabi kasi dito, “Love the Lord your God with all your heart and with all
your soul and with all your mind and with all your strength.” Yung heart, mind
and strength, naiintindihan ko. Pero yung soul, hindi ko gets!
Diego: Hindi mo gets?
Badong: Kasi, tingnan
mo ha. Halimbawa, “Love the Lord with all your heart.” Heart, eh di puso. May
picture agad na pumapasok sa isip mo. Puwede mong sabihin na “I love chocolate
sundae,” o “Sinaktan mo ang puso ko,” gets agad ng kausap mo. Eh subukan mo
kaya sabihing, “I soul chocolate sundae” o “Sinaktan mo ang kaluluwa ko.” Medyo
sablay diba?
Diego: [chuckles] Medyo
mahirap ngang intindihin ano? Sabagay, mas madaling i-picture sa utak natin ang
puso kaysa kaluluwa.
Badong: Yun nga yung
kanina ko pa pinoproblema eh! Ano bang ibig sabihin ng “Love the Lord with all
your soul?”
Diego: Ganito.
[During
the next three paragraphs, actors/mimers will act out the lines as Diego
recites them.]
Kunwari, nasa bahay ka.
Nagre-relax sa sala. Tapos, kinuha mo yung remote control, at binuksan mo ang
TV. Habang nanonood ka, biglang tumabi sayo si Jesus. Anong gagawin mo?
Itutuloy mo lang ba ang panonood, o bigla mong ililipat ang channel?
O kaya naman,
nagmamaneho ka ng kotse pauwi galing trabaho. Ma-trapik sa EDSA, kaya binuksan
mo muna ang radyo para malibang ka naman habang naghihintay. Eh biglang nasa
passenger seat pala si Jesus. Anong gagawin mo? Lalakasan mo ba yung volume
para marinig din niya yung pinapakinggan mo, o bigla mong papatayin ang radyo?
O di kaya, seryosong
seryoso ka sa tinitingnan mo sa laptop mo. Tapos biglang sumilip si Jesus mula
sa likod mo. Anong gagawin mo? Ipapakita mo ba sa kanya yung website na
tinitingnan mo, o bigla mong isasara yung screen?
[Actors
exit.]
Badong: O, ano naman
ang kinalaman nun sa tanong ko?
Diego: Love the Lord
your God with all your soul. Ibig sabihin, love him in the way we live. In the
choices we make. In the behavior and lifestyle we adopt. Because the choices and decisions we make come
back to our soul—back to
who we are and what we're made of.
Badong: Ganun ba yun?
Diego: Ganun nga.
Tanungin mo ang sarili mo: Paano mo ba ginagastos ang pera mo? Saan mo inuubos
ang oras mo? Anong mga libro o magasin ang binabasa mo? Anong mga programa sa
TV ang madalas mong panoorin? Anong klaseng mga kaibigan ang meron ka?
Badong: So, ang
sinasabi mo, dapat tanungin ko ang sarili ko kung okay lang na laging nasa tabi
ko si Jesus at nakasilip sa bawat gagawin ko? O kung maiilang ako dahil sa mga
pinagsasasabi o ikinikilos ko?
Diego: Tama. Sabi sa
John 14:15, “If you love me, you will obey what I command.” Ibig sabihin, kung
hindi mo susundin ang mg utos niya, kung patuloy ka lang sa paggawa ng gusto mo,
kahit na alam mong mali ang mga ito . . .
Badong: . . . eh di
hindi mo siya mahal.
No comments:
Post a Comment