Tuesday, May 22, 2012

Irony

Music: "Bloom" by MAE


He smiles and I melt
over and over until
I drown in a puddle of
self-loathing and cotton candy.

He laughs and I soar
up, up, swimming in cumulus and nimbus,
before I crash down
with wings of melted wax
burning my shoulders.

He leaves and I weep
a river so deep
it’s a wonder
I don’t sink
to play with rusty anchors 
and necklaces with diamonds
for pendants.

He comes back and I smile 
and everything is still
still
still

still.

Love the Lord series - Soul


Title: I Soul You
Characters: Badong, Diego, Jesus, two to three generic actors/mimers
Costumes: Casual clothes for Badong and Diego; Jesus costume; black shirt and pants for mimers
Verse: Mark 12:30
Time: Approximately 5 minutes
Language: Bilingual (primary language is Tagalog, with some portions in English)
License and rights ownership: Creative Commons - Attribution-Non-commercial
 
[BADONG is on LSR, reading the Bible. He is frowning, as if confused about what he is reading. DIEGO enters from SL and sees him.]

Diego: O Badong, bakit parang litong lito ka diyan sa binabasa mo? Anong problema?

Badong: Ah, ikaw pala, Diego. Binabasa ko lang kasi yung verse na nasa devotional ko para sa araw na ito. Sabi kasi dito, “Love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your mind and with all your strength.” Yung heart, mind and strength, naiintindihan ko. Pero yung soul, hindi ko gets!

Diego: Hindi mo gets?

Badong: Kasi, tingnan mo ha. Halimbawa, “Love the Lord with all your heart.” Heart, eh di puso. May picture agad na pumapasok sa isip mo. Puwede mong sabihin na “I love chocolate sundae,” o “Sinaktan mo ang puso ko,” gets agad ng kausap mo. Eh subukan mo kaya sabihing, “I soul chocolate sundae” o “Sinaktan mo ang kaluluwa ko.” Medyo sablay diba?

Diego: [chuckles] Medyo mahirap ngang intindihin ano? Sabagay, mas madaling i-picture sa utak natin ang puso kaysa kaluluwa.

Badong: Yun nga yung kanina ko pa pinoproblema eh! Ano bang ibig sabihin ng “Love the Lord with all your soul?”

Diego: Ganito.

[During the next three paragraphs, actors/mimers will act out the lines as Diego recites them.]

Kunwari, nasa bahay ka. Nagre-relax sa sala. Tapos, kinuha mo yung remote control, at binuksan mo ang TV. Habang nanonood ka, biglang tumabi sayo si Jesus. Anong gagawin mo? Itutuloy mo lang ba ang panonood, o bigla mong ililipat ang channel?

O kaya naman, nagmamaneho ka ng kotse pauwi galing trabaho. Ma-trapik sa EDSA, kaya binuksan mo muna ang radyo para malibang ka naman habang naghihintay. Eh biglang nasa passenger seat pala si Jesus. Anong gagawin mo? Lalakasan mo ba yung volume para marinig din niya yung pinapakinggan mo, o bigla mong papatayin ang radyo?

O di kaya, seryosong seryoso ka sa tinitingnan mo sa laptop mo. Tapos biglang sumilip si Jesus mula sa likod mo. Anong gagawin mo? Ipapakita mo ba sa kanya yung website na tinitingnan mo, o bigla mong isasara yung screen?

[Actors exit.]

Badong: O, ano naman ang kinalaman nun sa tanong ko?

Diego: Love the Lord your God with all your soul. Ibig sabihin, love him in the way we live. In the choices we make. In the behavior and lifestyle we adopt. Because the choices and decisions we make come back to our soul—back to who we are and what we're made of.

Badong: Ganun ba yun?

Diego: Ganun nga. Tanungin mo ang sarili mo: Paano mo ba ginagastos ang pera mo? Saan mo inuubos ang oras mo? Anong mga libro o magasin ang binabasa mo? Anong mga programa sa TV ang madalas mong panoorin? Anong klaseng mga kaibigan ang meron ka?

Badong: So, ang sinasabi mo, dapat tanungin ko ang sarili ko kung okay lang na laging nasa tabi ko si Jesus at nakasilip sa bawat gagawin ko? O kung maiilang ako dahil sa mga pinagsasasabi o ikinikilos ko?

Diego: Tama. Sabi sa John 14:15, “If you love me, you will obey what I command.” Ibig sabihin, kung hindi mo susundin ang mg utos niya, kung patuloy ka lang sa paggawa ng gusto mo, kahit na alam mong mali ang mga ito . . .

Badong: . . . eh di hindi mo siya mahal.